Diskaril by Itim Na Ulap [Official Lyric Video]


The latest single from Itim Na Ulap, released September 24, 2021 under Tower of Doom Music.

Tracked, mixed and mastered by Symoun Durias of Tower of Doom.


"Diskaril" Lyrics:

May salbabida ka bang nakikita?
Kumapit ka binabaha ka ng karma
Sarado ang langit bakit ka nabahala?
Kabado ka ba at walang mahanap na tala?

Walong dipa mula sa hagdanan
Umakyat ka pa ay di mo matatakasan
Pagdaloy ng pagibig na ginawa mo
Bumubulong sa hindi kalayuan
Itim na puso ay hindi pahihintulutang wakasan ang panalangin ko..

CHORUS:
Bago ang kulog may kidlat
Parusa sa pagibig na tapat
Hindi ko masisikmura kung bigla na lamang mawawala
Kasabay ng pagbabago ng senaryo
Kailan ba naging pebrero ang senakulo?
Meron bang kapalit na premyo ang pangakong naipako
na kasama si kupido?

Saranggolang hawak mo sa iyong kanan
Matalim na punyal sa kaliwa ang iyong tangan
Isang prosesong walang katiyakan
Madugong labanang walang nais masugatan

Walong dipa mula sa likod mo
Saradong kamay naka amba sa gatilyo
Pasabugin ang sentido ng pagibig mo
Prinsesang walang prinsipe at kastilyo
walang korona hawak ay sigarilyo
Kasabay ng usok halik ay maglalaho

Bridge:
Sa bawat nasirang pangako, ay may pait na kapalit sa dila ay di mawawaglit
Sa bawat nasirang pangako, ay may pait na kapalit sa dila ay di mawawaglit
Kasabay ng pagkalunod mo ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso ko
Kasabay ng pagkalunod mo ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso mo

Post a Comment

0 Comments