Ginhawa by SUD [Official Lyric Video]


SUD - Ginhawa (Official Lyric Video)


"Ginhawa" Lyrics:

Sa paguwi ko
Hinahanap agad ng aking puso
Ang mga yakap mo
Yapos na hindi sana matapos
Sana tumigil muna
Takbo ng mundo sa sandaling ito
Lalasapin ang bawat oras

Ginhawa
Sa’yo ko lang nakita
Ginhawa

Handa na ako kung san man ‘to
Papunta, patungo
Sumasalubong sa ‘king braso
Mga yakap at halik na para bang
Dinadala ako
Kung saan nagsimula

Ginhawa
Sa’yo ko lang nakita
Ginhawa

Sa hirap at lungkot na dinanas ko
Walang pasubaling tinanggap mo
Hindi na ‘ko bibitaw
Uuwi pa rin sa’yo

Ginhawa
Sa’yo ko lang nakita
Ginhawa

Sa paguwi ko
Ngiti sa mata’y ramdam ng puso
Dito na muna tayo
Kung san nag tagpo
Kung san nakita
Ikaw at ako
Ginhawa

Post a Comment

0 Comments